Pages

Cisco is Easy


What is the purpose of this?
This blog serves as references, practice our skills to hit directly the exam objective of  ICND1 – ICND2 Certification. I have dedicate some of my free time to share knowledge what I have learn in personal experience and research from some mentors. We want to learn also from question and problems that leads into our discovery of solution and journey in Cisco World.
This blog can use any Taglish term at iba pa. Magtatagalog na ako dahil Pinoy naman tayo. Pero minsan dapat din natin husayin ang English natin para sa term ng Cisco na dapat natin maunawan sa Tagalog. Lahat ng topic na pag-aaralan naten isasalin ko sa LAYMAN TERM or picture for better understanding and to be more fun sa logic.
Natatandaan mo ba noong HighSchool ka? Noon College? Siyempre masaya. Kapag meron exam at sasabihin ng Professor mo na “Class meron tayo short exam sa Friday…” then saka tayo magtatanong “Ser ano po un coverage ng exam???” then saka mag-aanounce ang Professor mo ng tips and topics for specific short exam. Oh di ba ang saya. Doon ka lang magrereview sa mga exam topics. So, iyong mindset is focus at time saver pa and more practice pa.  Ito yon kailangan naten kung baket naten REVIEW ang EXAM OBJECTIVES.
Why we need certification?
Baket nga ba? Obvious naman di na ako magpapaligoy ligoy. Para sa iyo din yan, level up ika nga. Pero ang IT ay maraming specific expertise, parang sa Doktor, pero iba iba ang expertise. Sa Cisco, Network Engineer ang itatawag sayo kapag nakapasa ka ng CCNA. Kung ang Architect at Civil Engineer at nagpaplano ng paggawa ng tulay papunta sa kabilang baryo. Ikaw naman as Network Engineer, nagpaplano din sa type ng connection at cable medium (tulay at materials) ang gagamitin sa pag-access ng network resources at Internet. Halimbawa din ang Nurse ay nagdidisect ng frog sa laboratory noong nag sstudy pa sila, ikaw naman ay nagdidisect din, pero hindi frog, kundi bits, frames, packets etc.,   Alam mo ba ibig sabihin lahat nyan? You know what your doing…
Question: Baket kelangan mag-umpisa sa ICND1, meron naman sila offer na CCNAX?
Sagot: Kung ako ang tatanungin, maganda ang CCNAX, depende sa experience mo kung ilan taon ka nagsasanay sa Cisco Device at mga Institute na nag-offer ng mabilisan na training at exam. Kapag nagexam ka at confident ka na… ayun.. boom. Pasado.. Eh pano kung konte lang ang time mo at konte lang ang practice mo sa type ng problem, boom ka din… bagsak.
Pero sa akin, ang tip ko lang, you start with fundamental and foundation ng ICND1.  You practice and try ang better understanding ng bawat terminology sa English then go translate sa tagalog ang logic at ask mo rin ang mga Hokage sa Internet. Mas mainam din ang pagggawa ng Home Lab para sa mga practice ng scenario at topology, using available free resources kagaya ng GNS3 kung wala kang real devices muna.  Sigarado kapag natapos mo ang mission mo sa mga problem solving, confident ka kumuha ng exam.

Remember this: Practice... Practice... Practice...Practice... and Practice...!


“I am always doing that which I can not do, in order that I may learn how to do it.”
                                                                                                                        ~ Pablo Picasso.

EXAM OBJECTIVES: ICND 1 (VER2) 
6% 1.0 Operation of IP Data Networks
21% 2.0 LAN Switching Technologies
11%3.0 IP addressing (IPv4/IPv6)
26%4.0 IP Routing Technologies
8%5.0 IP Services
15%6.0 Network Device Security
13%7.0 Troubleshooting
MORE VIDEO TUTORIALS HERE:


No comments:

Post a Comment